Isa Sa Mga Programa Ng Barangay Maligaya Ay Ang Pagkakaroon, Ng Feeding Program Para Sa Mga Batang Walo Hanggang Sampung, Taong Gulang. Sila Ay Binibi
Isa sa mga programa ng Barangay Maligaya ay ang pagkakaroon
ng Feeding Program para sa mga batang walo hanggang sampung
taong gulang. Sila ay binibigyan ng pagkaing sapat at nagtataglay ng
mga bitaminang kailangan ng katawan. Sa palagay mo ba ay dapat
maisulong ang programang ito para sa kapakanan ng mga batang
nangangailangan ng wastong nutrisiyon? Bakit?
Answer:
Dapat po na maisulong ang Feeding Program.
Explanation:
Kada araw, maraming bata ang naghihirap dahil sa malnutrisyon na nagiging dahilan upang sila ay madaling madapuan ng mga sakit at maaring sanhi ng maagang pagkamatay. Minsan, ang mga batang mag-aaral ay madalas na pumapasok sa paaralan na walang laman ang tiyan na nagiging sanhi kung bakit bumababa ang kanilang marka.
Nakakatulong ang programang ito dahil nabibigyan ng mas mahusay na nutrisyon at kalusugan ang mga batang hindi nakakain ng sapat at masustansyang pagkain.
Ang isang pang araw-araw na masustansyang pagkain ay isang regalo na higit pa sa pagpuno ng mga walang laman na tiyan.
Comments
Post a Comment