Ano Ang Mangyayari Kung Maging Socialism Ang I Implement Sa Pilipinas?

Ano ang mangyayari kung maging socialism ang i implement sa Pilipinas?

Ang socialism at communism ay parehas lang.  Ibig sabihin nito lahat ng means of production, distribution, and exchange ay magiging pag-aari ng buong bansa at ng gobyernong namamahala dito.

Madalas ang mga tao ay hindi sang-ayon pag narinig ang salitang communism o communist. Ito ay dahil ang mga bansang karaniwan alam nila na communism ang pamamalakad ay ang China at Russia kung saan masyadong mahigpit, hindi makatao, at inaalisan ng karapatan ang mga mamamayan. Pero ang totoong rason dito ay ang communism o socialism ay hindi gagana kung ang mga namumuno ay corrupt at power-hungry. Ito ay hindi rin gagana ng maayos kung ang mga mamamayan ay hindi nabibigyan ng mga oportunidad upang umasenso.

Mataas ang buwis na kailangan bayaran sa isang socialist society. Ito ay upang masustine ng gobyerno ang mga imprastruktura at mga pagawaan. Ito rin ay upang masigurado na pantay-pantay ang karapatan na maibibigay sa mamamayan, mahirap man o mayaman sila. Isa pa sa, sa isang socialist society, kaya mataas ang buwis ay dahil long-term ang mga proyekto kung saan ang balik ng investment o pakinabang ay mararamdaman mga ilang dekada pa pagkaraan na ito ay matapos o matupad. Hindi ito para sa mga tao o gobyernong short-sighted.

Ang ilan mga bansa na matagumpay na naitatag ang socialism ay ang Finland, Denmark, Canada, Sweden, Norway, Ireland, New Zealand, at Belgium. Ito ay dahil alam ng mga pinuno kung ano ang limitasyon nila at dahil hindi rin nila kinokontrol ng napakahigpit ang kanilang mamamayan. Ang mga mamamayan naman ay kusang-loob na nagbabayad ng buwis kahit na ito ay kalahati o higit pa sa kalahati ng sweldo nila. Nakikikita ng mga mamamayan ang benepisyo sa mas mababang halaga ng mga serbisyo sa edukasyon, medisina, transportasyon, at iba pa.

Ito ay hindi magiging maganda o maayos kung ipatutupad sa Pilipinas. Bakit?

  1. Short-sightedness ng mga Pililipino. Mahilig tayo sa instant results. Hindi tayo willing na maghintay ng mas mahabang panahon upang maipatupad ang isang bagay.
  2. Laganap ang corruption. Kung mahahawakan ng mga pulitiko ang mas maraming kumpanya, bababa ang quality ng goods at services.
  3. Katamaran ng mga government employee.
  4. Hindi willing ang Pilipino na mabawasan ng mas malaking tax ang kanilang sahod, dahil na rin alam nila kung alin bulsa ito mapupunta.
  5. Hindi matatag at masyadong makaluma ang ating Konstitusyon.
  6. Hindi bukas ang mga Pilipino sa pagbabago.

Comments

Popular posts from this blog

Isa Sa Mga Programa Ng Barangay Maligaya Ay Ang Pagkakaroon, Ng Feeding Program Para Sa Mga Batang Walo Hanggang Sampung, Taong Gulang. Sila Ay Binibi

First Person Who Answers This Will Be Brainliest!, When You Brainstorm, Does It Need To Be In Complete Sentences Or Can It Be In Bullet Points?