Anong Tawag Sa Kahulugan Sa May Baba Ng Tula Tulad Ng Sa May Florante At Laura

Anong tawag sa kahulugan sa may baba ng tula tulad ng sa may florante at laura

Kung ang isang salita ay may isang maliit na asterisk o iba pang simbolo sa tabi nito at meron itong katumbas na kahulugan o paliwanag sa ibaba ng pahina, ang tawag dito ay footnote o talababa.

Ang footnote o talababa ay nagsisilbing paliwanag at karagdagang konteksto para sa mambabasa. Ito ay dahil sa paglipas ng panahon ang kahulugan ng mga salita ay nagbabago at kailangan gamitin ang mga naunang kahulugan nito. MInsan naman ito ay nagsisilbing paalala na ang isang bagay ay patungkol sa isang nakaraang pangyayari, sa isang anekdota, o iba pa.

Kung ang tinutukoy mo naman ay ang mga salitang nakalista at may mga kahulugan, ito ay tinatawag na glossary o talasalitaan. Ito ay nagsisilbing maliit na diskyunaryo ng isang aklat o isang sulatin upang maging reperensiya ng mambabasa sa mga salitang ginamit.


Comments

Popular posts from this blog

Subjective Meaning In Spoliarium

Ang Pinaka Malalim Na Dako Sa Karagatan Ay Bahaging Nasa Dulo Ng Marianas

A Study Is Based On 1000 People Interviewed Face-To-Face In Shopping Areas. What Qualitative Data Collection Was Used?